Work Text
Pinakingan niya ang umuulit na tunog, isang simbolo na kumonekta ang tawag sa number na gusto niyang matawagan.Tibok ng kanyang pusong sa mga tainga, malakas at maingay sa loob ng katahimikan ng kuwarto, ang sapatos niyang pauulit ulit na kumakatok sa semento ng sahig, siya ay hindi mapakali at ikalawang ring palang ito ng kabilang dulo ng tawag niya.Huminga siya ng malalim at ipinikit ang kulay pulang mga mata, habang dinadaan ang mga daliri sa kanyang buhok.Habang tumatagal, unti-onti nawawala ang pagasa niya na sasagot ang mahal niya, handa na siyang ibaba ang cellpone niya ngunit nung narinig niya muli ang pamilyar na boses mula sa kabilang dulo, isang tao lang ang nagpakita sa isipan niya. Pusong tumitibok-tibok at dibdib na sumisikip, humihinga pa ba siya?“Kelan ka uuwi?” Ang unang pangungusap na narinig niya at sumandal siya sa sopa, mga balikat na yumukod.“Pauwi na ko.” Ang tanging sagot niya dahil yung lang talaga ang nagiisang sagot na meron siya para sa minamahal niya.“... Oo, pero kelan?” Mahina yung boses, yumayanig sa dulo, malungkot at mahinhin. Sumakit lang ang kanyang dibdib nung inisip niya kung ano ang itsura ngayon ng tao sa kabilang dulo.“Malapit na ako… Unting tiis na lang, at uuwi na ko. Pangako na totoo ang sinasabi ko.”“Palagi mo na sinasabi yan, Samatoki…” Parang hindi naman magkakatotoo, ang mga salitang hindi na kailangan sabihin pero naririnig pa rin.Pangalan niya, ito ang palatandaan na ayaw na at handa na ibaba ang cellpone.“Papunta nako
Pasensya ka na
Kung napaghintay kita teka lang sorry papunta na ko
Naiinip ka na ba?
Teka lang malapit na ko
May gusto ka bang ipasabay para mabili ko na dito
Para wala na sa'ting umabala
Sa oras natin gumambala
Tayo lang dalawa walang iba maglalakbay hanggang sa tala” Mga salitang lumabas mula sa bibig, nahulog mula sa labi, isang mabilis na rap na nagpapakita ng kanyang nararamdaman para sa kanyang kasintahan, ang taong minamahal niya bukod sa nagiisang nakababata niyang kapatid.“Nasasabik na kong ikaw ay yakapin angkinin lahat ng akin
Walang segundong sasayangin yung tipong maya't may among hahanapin
Ang aking lambing na sa iba 'di mo pwedeng ihambing
'Di ka na muling giginawin asahan mo yan sa aking pagdating” tahimik ang kabilang dulo, ang sariling hininga ay ang tanging naririnig sa katahimikan.Lumipas ang ilang segundo nang sumagot na siya at narinig mula ang kanyang boses.“Nasusuka ako, kinakain na ang loob
Masakit na mga tuhod, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, yung totoo
Yung tipong ang sagot, ay di rin isang tanong”“Sandali lang, Ichi-!” Pasigaw niya nasabi na hindi sadya, “Bakit mo naman nasabi yan? Lahat ng sinabi ko ay walang iba kundi ang katotohanan… Ichi… Ichiro, baby, sorry na. Sandali na lang, promise ko at nandyan na ko sa tabi mo. Unting saglit na lang. Please.” Desperado ang tono ng kanyang boses pero wala na siyang pake, gusto niya lang na paniwalaan siya.“Oo na…” At tahimik ang lahat bukod sa ingay ng tumitibok niyang puso. Naghintay siya kung may iba pa bang sasabihin si Ichiro ngunit wala nang lumabas mula sa mga labi na gusto niya ng maramdaman para kanyang sarili niya, mga mata na miss na miss na niyang makita.“Ichi?”“Oh?”“Hintayin mo ko. Please lang, uuwi na ko.”
